Saturday, December 20, 2008
ikatlong buwan na namin, kahapon lang. ang sarap talaga ng feeling kapag inlab ka no? palagi kang nakangiti tuwing naaalala mo siya. mga happy days niyo. kahit pa na tambay moments lang siya. lahat ng maalala mong pinag-usapan niyo napapangiti ka.

dahil iyon sa oxytocin na niri-release ng utak natin. ngayon, kung ano un eh, ewan ko. hanapin mo sa wikipedia. basta ang alam ko chemical siya.

nakakatuwa. kasi kahit tatlong buwan palang kami eh sobrang inlabs na kami. ilang linggo palang kami, pumasok na agad sa isip niya na gusto niya kong makita ng naka wedding gown.

ilang araw o linggo ang nakalipas, niyaya na niya kong magpakasal pag dumating ang tamang araw.

kama-kailan lang, niyaya na niya kong magpakasal.

oo magpakasal.

bata pa kami alam namin un.

kaso iba talaga.. nag-click talaga kami kumbaga.

hansweet nga, kinilig ako, ngumiti lang ako ng adik na ngiti (un bang tipo ng ngiti na hindi natatanggal sa mukha, parang nakahithit ka ng ganja kumbaga) at tumango sa tuwa.

alala ko pa ang exact words..:

"magpakasal na tayo.."

sino bang di kikiligin nun. eh nung hindi pa kami at magkatropa pa lamang ay sinasabi niya sakin na ayaw daw niyang mag asawa muna, magka-anak na lalake oo, pero asawa, ayaw. oha.

at may naging ex siya before sakin ng halos mag-apat na taon, at di niya naisipang yayain siya na magpakasal.

hayun, kaya ayun, lalung natuwa sa kilig ang lula mo. umikot baga ang panty.

at lalu ring nainlab.

ako din mismo, sa ex ko, apat na taon kami, oo naisip namin ang pyutur, pero sakin, personally, ayoko munang magpakasal.

nandidiri nga ako sa salitang "marriage" eh!

kakilabot baga.

pero ngayon.. haha tama na ang korny ko na.



tama si MC DUANE (ke-pwetser ko: http://apokalipsis.blog.friendster.com/)

  • You’ll read his/her IM’S, texts, e-mails over and over again…

  • PAG NAGIGING CORNY KA NA!!! KAHIT BRUSKONG BRUSKO KA!! HAHAHA!!

  • Parang kahit hate ka na ng buong mundo ayos lang.. basta wag lang sya..

  • While thinking bout him/her.. your heart will beat faster and slower at the same time..

  • Sinasabi mo sa kanya na “goodbye” pero ang gusto mo naman talagang sabihin ay… “please stay”

  • While looking at him/her..you cant see the other people around you.. you can only see that person… kahit na malabo ang mga mata mo!!

  • Feels like you’re in heaven yet you want to be with him/her kahit na he/she is from hell..

  • You’ll get high just by their smell… ano sya MARIJUANA?? COCAINE? ACID? KETAMINE? EKIS PINOY? SHABU? LSD? RUGBY? UTOT? SOLVENT? ECSTACY? X-TANO?? NGEE!! HAHAHAHA!! ADIK!! =)

  • Sa kanya lang “umiikot” ang mundo mo kahit “hilong-hilo” ka na at kahit sa iba naman umiikot ang sa kanya.. aray!

  • You’ll realize that you’re always smiling to yourself when you think about him/her.. hala ka!! sa MANDALUYONG na ang bagsak mo nyan!! Sa MENTAL na kayo magre-reunion nyan!! (madami kasing nabaliw sa pag-ibig) AMININ!!

  • You’ll do anything for him/her…

  • Kapag umutot nang malakas yung partner mo sa harap mo, tapos hindi ka na-offend o nandiri man lang at sa tingin mo eh cute pa yun. :p

  • Kahit BAD BREATH sya ay hindi mo sa kanya sasabihin na mag-toothbrush ka nga!! Kahit SUKANG-SUKA ka na sa PAGPAPALITAN NYO NG LAWAY eh tuloy pa din ang TORRID KISSING nyo kahit gusto mo ng isigaw na…. “WAG KA NG MAGSALITA… UMUTOT KA NA LANG” HAHAHA!! YUCCCK!! KADIRI TU DET!!!

  • tipong gusto mong huminto yung oras pag kasama mo siya humaba lang ang pagsasama nyo sa mga oras na iyon.

  • Pag bata ka pa kasi feel mo attracted ka na sa tao eh. sa iba naman crush is just plain attraction, after nun wala na. ayun, nagandahan lang or nagwapuhan yung iba, di’ba?? iba kasi pag love. you just can’t stop thinking about that person and as much as possible dapat kasama mo siya bawat minuto ng buhay mo.


so ayun, iilan lamang yan sa mga isinulat niya. naisip-isip ko kasi, sobrang katotohanan ung mga isteytments na andyan eh.

halimbawa lang kumabaga.

so ayun mga kababayan. apir. tayo'y magmahalan.

lusubin ang gobyernong pilipino!!

*IRONIC?!*

Labels: , , , , ,


djblah at 10:30 AM |

0 Comments:

Post a Comment